hongkong..ahhh..sobrang saya! i'm still here, and it's my 4th day here in the beautiful country of hongkong.. :) sa 3 days na nakalipas, dami na namin napuntahan and i'm enjoying it all! :)
lemme start what happened to us last monday, april 18. we left the house at 5 am to catch our 8 am flight to hongkong. pero anak ng tokwa, na-delay ng 2 times ang flight namin. nung hindi natuloy ung 8 am flight, sabe mga 10:30 am ata ung next. i really can't remember. tapos nung malapit na mag-10:30 am, sabe 11:40 am naman daw kase the airplane that was supposed to bring us to HK had problems so hinihintay ung isang airplane from cebu para un ung gagamitin. weird..haha. nwei, we left the philippines at around 12 noon so we had lunch na sa airplane and we arrived at HK ng mga 2 pm. we arrived naman sa house na sstayan namin dito for a week at around mga 5 pm na cguro. mahaba kase ung travel from the airport, the house kase was on an island, called lamma island. ang saya ng pagtravel going to lamma island. from the airport, we first rode the mtr [yan ang train nila]. hayup, ang ganda ng train nila. nagmukha kaming mga promdi dun sa sobrang hightech, nakaka-amaze. haha. after the train, we rode the ferry naman. so may air transportation [airplane], land transpo [mtr], may water transpo pa [ferry]. all in one day. astig. :) so ayun, since nasa isang island kami, everyday we take the ferry to reach the city part of hk. nasa wang long village ata kami, part of yung shue wan. basta that's what i see sa mga signs. haha. :)
rest day lang muna nung monday, wala kaming pinuntahan kase pagod sa pagtravel. so wala lang. nakipaglaro lang kami with crishna, my ate's bf's niece. soobrang cute nya, i'll post a pic here as soon as i get back to the philippines. :)
nung tuesday, eto na ang start ng paguran. grabe, sobrang kakaiba nakakapagod talaga. hk people are walking people kase, as in to reach one place, maglalakad ka. hindi naman totally maglalakad ka lang, there are still different modes of traspo, un nga lang, ung mga parts na kelangan maglalakad ka talaga ay mahaba. so lakad galore kami. as far as i can remember, we went to ifc mall [which we always go to kase dun ang daan, connected kase sha sa mga subways and trains], then to the central times square ata un, then to hongkong park [astig, ganda ng hk park, kaya lang sa sobrang pagod na namin, di na namin mashadong naikot, kase grabe, ang laki ng park tapos minsan parang naghhike ka pa], tapos the last destination was the peak. grabe astig sa peak, sa gabi lalo. u get to see the whole of hongkong's city part. so gabi kami umakyat dun. we used the peak tram [un ung parang train to get us to the top of the mountain]. sa peak, they also have a sort of wax museum, pero di na kami pumasok dun kase we were there for the hk city sightseeing. ayun, plastado ako pagbalik sa lamma island. kaya ganun. haha.
yesterday, wednesday, we just went to mong kok. we left the house na kase ng mga 3:15 pm, kase nga mashado kaming napagod the day before kaya di nagising nang maaga. so dumating kami sa mongkok ng mga 4:30 pm siguro. tapos we started our shopping galore! mong kok is like our divisoria. only difference is, konti lang ung vehicles na dumadaan, tska hindi mabaho and polluted. haha. tapos hindi rin maingay na nakakahilo na sa sobrang ingay. one thing that i have observed nga sa mga hk people is hindi sila mahilig sa music. parang ewan, parang mas gusto pa nila tahimik. in our country kase, kahit saang resto ka pumasok o tindahan, may house music right? dito wala eh. so tahimik lang. hehe. nakakapanibago. tapos sa mga public transpo nila like the tram, mtr, ferry, etc. di rin mashadong maingay kase the hk people don't really talk that much. so ayun wala lang. basta ung punta namin sa mong kok was my favorite trip so far. shempre, shopping eh. that's so like me. :)
thursday na, and i have 4 more whole days to go. yehey. kwentuhan ko ulit keo. :) [wait for the pics nalang, masaya toh!]
# random thougths @
3:42 AM