ang mga ibang tao talaga, sadyang pasaway. ung tipong mahilig lang mang-away? siguro dahil wala na silang ibang magawang maganda sa mga buhay nila kaya nang-aaway na lang para ika nga, "to add spice to their lives". ung tipong inaaway ka kahit hindi ka naman talaga nila kilala nang lubusan? ung tipong inaaway ka kase puro masama lang ung nakikita nya seo? ung tipong inaaway ka kahit wala ka namang ginagawa? ung tipong inaaway ka kase kaibigan mo ung kaibigan nya? ung tipong inaaway ka kahit hindi mo talaga alam kung ano ung ginawa mo? ung tipong gusto mong sabihin na "mas nauna kong nakilala ung kaibigan mo na kaibigan ko din at mas marami na kaming pinagsamahan kaya wag mo kaming pakialamanan. wag kang insecure nakakaasar ka." pero pinili mong itago na lang dahil wala namang kwenta kung papatulan mo pa ung mga ganung klaseng tao. lalo na kapag alam mong mas matanda seo ung mga taong umaaway seo at "they should know better" pero hindi, sige pa rin, aawayin ka pa rin. nakakalungkot, tapos tatawagin natin ang mga sarili natin na "mga anak ng diyos" pero eto, away nang away. sana matuto tayo na kapag meron tayong hindi gusto sa isang tao, masabi natin ng direchuhan. hindi ung patago pang mang-away. kahit ako, gusto ko matutunan un. nakakasira sa dignidad ng nang-aaway eh. lalo na kapag alam ng maraming tao na nang-aaway siya ng taong hindi naman nya kilala nang lubusan. ung nang-aaway sha ng tao kase kaibigan nung taong un ung kaibigan mo. haay. nakakaawa nga naman talaga ang mga tao.
kailan man alam kong hindi mawawala ang mga taong ganito sa mundo. dahil naniniwala akong ginagamit sila ng diyos para sa ikahuhubog ng taong inaaway. tinuturuan tayo ng diyos na magpatawad kahit na gustong-gusto mo nang batukan at tusuk-tusukin ng safety pin ang mata ng nag-aaway seo. at para naman sa mga taong nang-aaway nang ganito, may plano si lord sa inyo.
# random thougths @
11:28 PM