Saturday, May 14, 2005
wahaha!Ü wla namang mgagalt eh...Ü cge mamaya kultan ult tyo! oh xia cge 2lugan na! heheÜ nytnyt jojo!Ü ;) -melmel-
haha Ü bkt san pnta mo ng 8? tumitilaok na ang mga manok d2 at mlpit na lumiwanag ang plgid pro e2 prn ako, mulat na mulat ang mga mata..haha.Ü -mensahe ni jo kay torti-
let me share to you one highlight that i had last night and this morning..from 9:30 pm to 5:30 am the next day, nakahiga lang ako sa kama. at hindi ako nakatulog. literal. haha. that was 8 hours na nakahiga pero mulat na mulat. yan ang pinakamatinding epekto sa akin ng insomnia so far. grabe. andami ko nang nakatext tapos hindi pa rin ako nakatulog. haha.
anlaking tulong sa akin ng 24/7. kung sino man nakaisip netong napakagaling na ideya, salamat po sir/ma’am. haha. pumasok ako sa kwarto ko ng 9:30 pm kase gusto ko nang sanayin ang aking sarili na matulog na nang maaga dahil sa isang linggo, papasok na ako sa kolehiyo. hindi na pwedeng madaling-araw na ang tulog ko.
ngunit walang epekto ang aking ginawa. so tinext ko ang mga kaibigan ko. nung mga panahong iyon, ang aking mga katext ay sina marco at melmel. sila din ay walang magawa. makalipas ang ilang sandali, nagsend ng quote si torti at si tantan. doon ko nalaman na gising pa sila. mga ala-una na un nang umaga. tinext ko sila. kaya apat na sila. makalipas ang ilang sandali muli, hindi na nagreply si marco. tatlo na lang ang katext ko. si melmel, si tantan at si torti. kung ano-ano ang napag-usapan naming walang kwenta. pero masaya ako. mga alas-dos ng umaga, sumuko na si tantan. matutulog na raw sha dahil may training pa daw sha sa balibol kinabukasan. ako, mulat na mulat pa rin. si melmel ay nagkkompyuter pa habang katext ako at si torti na aking dakilang seatmate at paborito ko ay nakahiga lang sa kanyang kama, nagpapaantok. habang nagttext, tinawagan ako ni melmel. susme. mas lalo akong nagising. shempre tawanan kami ng tawanan. kulitan to the max. [ay torti, nahawa tuloy ako sa mga salita mo dahil antagal nating magkatext. ahaha.] buti na lamang ay hindi ako naririnig ng mga kasamahan ko dito sa bahay na tumatawa mag-isa. pano naman ako maririnig, eh tulog na tulog na sila. ansarap kausap ni melmel. pramis. haay. kinakantahan pa ko. haha. you and me by lifehouse, melmel. hehe. anywei, makalipas ang ilang tawagan, humiga na si melmel at tumawag muli sha sa aking telepono. pagkatapos maputol, nagtext sha na matutulog na daw sha. anlakas ko talaga. alas-tres y media na at hindi pa rin ako tulog. shempre si torti, gising pa rin. kaya text to the max na naman kami. sa sobra naming walang magawa, nagawa na namin ang gawain na talaga namang ang weirdo kung iisipin. aba’y akalain mo ba namang bilangin namin ni torti kung ilan ang sun users sa klase namin at isipin kung sino-sino sa mga kaklase namin ang hindi pa naka-sun? o diba ang saya? ganyan kami kabaliw. ahaha. bandang alas-cuatro, pagkatapos sakin ikwento ni torti ang liveshow na nakita ni cha [isa pa naming klasmeyt], nagtext na sha na matutulog na sha. pipilitin na daw nyang matulog dahil may pupuntahan pa sha ng 8 nang umaga. so cge. pinakawalan ko na si torti. at eto ako, nag-iisa, walang magawa. eh usually naman pag nakahiga lang ako at walang kausap at katext, makakatulog ako. but no. isa’t kalahating oras ay nakatunganga lang ako. hinihintay dumami ang tilaok ng mga manok. ang saya ko nun. pagdating ng mga alas-singko y media ng umaga, dinapuan ako ng antok. langya. MAY ARAW NA. marami na ring mga sasakyang dumadaan sa may bahay namin. pero, natulog pa rin ako. nag-iibang anyo na ata ako. natutulog ako pag may araw at gising na gising pag gabi.
# random thougths @
7:36 AM
|