"what the heck?! walang pasok?"
sender:
chingyan ang una kong na-receive na text regarding the "no classes all levels in metro manila" today.
buti na lang walang pasok dahil i'd be running late na naman kung may pasok! i woke up at 7am, at 8am ang pasok ko..haha. ewan ko nga ba, may kakaibang aura ang kwarto ng bro ko na pag dun ako natutulog nagigising ako exactly 1 hour before the start of my classes! nagpalit kasi kami ni bro ng rooms temporarily, nasarapan daw sha matulog sa kwarto ko. ano kayang meron sa kwarto ko?
ano ba naman ang naisip ni gloria at nag-declare siya ng walang pasok ngayon? tomorrow pa naman ang feb25. one reason could be siguro ayaw niyang wala sa mga bahay ang mga estudyante kung sakaling magkagulo. pero perooo hindi kaya baka nga sumama pa ang mga estudyante sa mga rally o kung hindi man mag-mall na lang ang mga ito kasi "nakaalis na naman sila ng bahay, ituloy na!" hehe. ewan. kung ano mang reason, 50/50 ako. natutuwa ako na hindi rin.
naudlot tuloy ang accounting midterm exam ko na dapat today. kung ngayon na sana yun eh di sana wala na kong iisipin during the weekend. pero may advantage din naman, more time to study. :) kaya lang sa monday magkasabay na ang statistics quiz ko and accounting midterm exam! kung hindi ba naman mabigat sa utak yun noh?
pero hindi talaga ito yung ikkwento ko eh. pero nakwento ko na rin eh alangan naman burahin ko pa lahat ng nasulat ko? ahaha.
share ko lang sa inyo yung another meaning ng aking sikat na pangalan na "JOPWITEE".
diba ang tagal tagal ko nang id yun? id sa yahoo, multiply, friendster, at blog at sa lahat ng online accounts ko. pero nung isang araw ko lang nalaman yung isa pang meaning nung pangalang 'yon, thanks to my filipino classmate, "kuya" dan. hehe. :D hi dan!
marami-rami na rin nagtatanong kung bakit nga ba "jopwitee" ang napili kong nick. kasi ganito 'yun. mga 12 or 13 pa ata ako nun tapos natripan kong mag-isip ng nick na yun na yung lagi kong gagamitin kasi nung nag-e-MIRC pa ko, gusto ko popular ako sa mga channels dun. haha. o diba ang childish? ewan ko ba. so naisip ko nga ang jopwitee. ano ba ang jopwitee para sa akin? jo = joanne; pwitee = pretty. hindi ba halatang teeny bopper-ish mashado ang ugali ko dati? pinacute ko pa ung "pretty" at naging "pwitee". ngayon tuloy parang tingin ko ang baho nung nick. haha. parang "pwet" tuloy. may mga ibang friends na rin ako na ganun yung naging interpretation. pero hellooo naman bakit ko bibigyan ang sarili ko ng pangalan na "pwet" ang ibig sabihin? pero may iba rin namang tama ang intrepretasyon sa "jopwitee".
pero nung isang araw nga, habang kachat ko ang aking filipino classmate na si dan, tinanong nya sakin kung ano nga ba meaning ng "jopwitee". so inexplain ko. tama naman ang hinala nya na ganun nga ang meaning nun. pero may sinabi sha sakin na pag chinese na fukyen daw ang nagbasa nun, ang meaning daw ay jo = joanne; pwi = fat; ti = pig. so hindi na lang ako pwet, fat pig pa. oh anong say mo? hahaha. ewan ko ba. pero nakakatuwang nakakatawa din malaman yun. so thanks dan. :)
kahit may mga mabahong meaning ang "jopwitee" ko, yun pa rin ang gagamitin ko, maybe forever na. ok na ko jan eh. besides, which meaning applies the most ba? pretty, pwet o fat pig? i believe you know the answer. ;p kung hindi ba naman ako makapal noh? haha.
warning: wag maging mashadong gullible (na according sa bro ko cute daw ang meaning hehe) sa lahat ng nabasa lalo na yung last part. baka maniwala kayo mashado eh. wag naman. ;)
# random thougths @
7:37 AM