di ko pa pala nakkwento. nung friday, pinakanta ako ng relstwo prof ko sa harap ng class.
KUMANTA MAG-ISA SA HARAP NG CLASS!!
anak ng tokwa talaga nakakahiya at the same time nakakapagboost ng self-confidence. hahaha. :D kasi ganito yan, that was the day of the submission of our church certification regarding the 10 hours church service sa respective churches namin. ok na yung mga issubmit ko except for one paper, yung blue form ko. may mga i-ffill out kasi dun eh hindi pa ko tapos. late na nga akong dumating nung relstwo class ko, sabay di ko pa tapos yung blue form! so nagmamadali akong i-fill out yun kasi dalawa na lang kami ng classmate ko (si clive) na nagsusulat sa blue form tapos kulit kulit pa nung prof sinasabe "oh wala nang magssubmit ha??" [with his visayan accent] mas lalo tuloy ako nataranta! tapos mas lalo pa ko nagpanic nung nagsubmit na si clive! so ako na lang talaga yung hindi pa nagssubmit! sinisigawan ko na yung prof na "sir wait lang!! wait lang talaga!" to the point na dun na ko sa teacher's table sa harapan niya nagsusulat sa blue form. heheh.
habang naghihintay si mr. prof sa akin matapos magsulat, tinignan niya yung church certification ko. ang kulit kasi niloloko pa kong pinagawa ko lang daw sa recto yun kasi sa sampaloc nga ako nagchchurch..haha! at dahil matagal ako magsulat at nainip na sha, pinagtripan na ako! hehe. kinuha niya blue form ko at ayaw ibalik sa kin! instead what he did was he read what was written in the church certification na "she heartily participated in the church's music and teaching ministry.." kaya ayun! pinakanta na ko! wag ko na daw tapusin yung blue form basta kakanta ako sa harap ng class!! na-shock naman ako diba! back-up singer lang ang lola nyo hindi SOLOIST! anyweiiii, dahil ayaw ibalik talaga sakin yung papel, ano pa ba magagawa ko so kumanta na lang ako! pero after 10minutes of persuasion muna! haha. di nyo ko basta-basta mapapakanta bwahahaha. :D
# random thougths @
4:03 PM