yeheeess!! tapos na ang accounting midterm exam ko sa wakas!! kahit masakit katawan at ulo ko, eto pa rin ako nagbblog kasi di na ko makapaghintay na ikwento sa inyo ang mga exciting na nangyari sa akin, all in one night!! yeah! haha. [weird, dapat wala na kong energy dahil na-drain na ang utak ko dahil sa statistics quiz sa morning at accounting midterm sa gabi! pero eto, happy ako eh! *anong meron ang taong happy?*] ;)
nagsimula ang accounting test ko ng 6 pm, after having my break from 1130-6! oh say mo inamag na kami sa tagal! pero ok lang, di ko pansin kasi nag-aaral ako. :) anyweiii, ayun na nga. kabado ako habang nagsasagot ng test dahil nung nag-aaral ako earlier this afternoon, na-mental block ako as in hindi ko magets yung mga journal entries na dapat ay hindi na iniisip kung pano nagawa! kaya kinabahan na rin ako na baka sa test mismo ma-mental block ako! "naku wag naman po sana" na lang ang nasabi ko. hehe.
mga 1st hour or so ng test, ok ok pa ko. after nun unti-unti na akong nanghina dahil ang habaaaa nung test tapos 1 hour pa lang yun, nagamit na utak ko! so ibig sabihin pa nun may 2 hours pa ko para magpiga ng utak! tahimik at seryoso ang lahat nang biglang..
(yumugyog ang paligid as in leftrightupdown yugyog)
at nag-react ang lahat. nahilo pala muna kami. at nag-react ang lahat. aba'y nag-earthquake na pala! matagal din yung earthquake na yun, mga 9 seconds. binilangan ko eh! joke lang sinabi lang ng tatay ko na yun daw ang sabi sa news hehe. iba-iba ang mga reaction ng mga tao, yung iba "coup de etat na!" [ano naman koneksyon ng earthquake sa coup de etat?!] meron ding "ang lakas nun ah, nahilo ako!" at yung iba "end of the world na!" pero ako, wala lang medyo concentrated pa rin sa test kahit nahilo ako nang todo. ay pero naisip ko rin pala na "cool..earthquake.." :D
seconds lang after the earthquake, bumuhos naman ang malakas na ulan. nagtaka talaga ako nun, ang init init buong araw tapos uulan na lang basta-basta nang ganun kalakas! medyo walang nagreact sa nangyaring yun dahil natural na naman sa mga tao na umulan nang malakas diba? hehe.
mga ilang minuto pagkatapos nagsimula ang napakalakas na ulan, nag-brownout naman! dito na ang pinakamaraming reaction akong narinig. may "okeiii walang nang teeeest!" meron ding "aaah! pano na toh?!" at meron ding isa na favorite ko, "end of the world na talagaaa!" haha. ang kulit, kasi "end of the world" na nga, may mga iba pang nagsasamantala sa sampung minutong nag-brownout! guess what? nagtatanong ng mga sagot! haha ang kulit talaga. ako naman ang naisip ko, "mukhang ayaw talaga kaming ipa-test ha! na-cancel na ung test nung friday ang monday dahil walang pasok, nangyari pa lahat ng ito!" at saka"kung may mangyari man sa akin ngayong gabi at mamatay ako, ang kulit dahil maaalala ako ng mga tao na namatay na ang huling ginagawa ay nagttest sa accounting!! naku huwaaag pooo!" hahaha ayun. :D
umulit ang brownout ng isa pang beses, pero mga 3 minutes na lang yun.
pagkatapos mahilo at magutom at sumakit ang likod, natapos ko din ang test ko. mga 5th to the last ako natapos, dahil nahihilo na talaga ako gitna pa lang ng test so bumagal ako sa pagsagot.
sana magandang grade ang makuha ko, kapareho ng magandang exciting na nangyari ngayong gabing ito. :D
AT HINDI NAGTATAPOS DYAN ANG KWENTO KO.
itong isang 'to ang nagpabalik ng energy ko matapos akong maubusan dahil sa accounting test!!! at dahil dito, ito kita naman sa pagsusulat ko na full of energy pa ako! :D
actually, nagsimula 'to sa isang text lang ng aking "girlet" na si jessica.
jessica: cho, sa dlsu rin pala nag-aaral si *itago natin sa pangalang SIBLING*. [yung mga close ko, gets nyo yan!!] ;p
naku, at dun na ko nabuhayan ng loob.
sa mga hindi nakakaalam, SUPER CRUSH KO LANG NAMAN SI SIBLING. nabuhayan ako ng loob dahil alam ko hindi na siya pumupuntang DLSU mashado kasi graduating na siya and nag-o-OJT na rin sha so that means hindi ko na sha makikita around campus. pero dahil sa text message ni jess, nagkaroon ako ng pag-asa na makikita ko na ulit sha sa campus! mas may kababaliwan na ulit ako kaysa sa current crushie ko na parang si SIBLING din ang itsura, porma at kilos. yeeeeees!!
marami pa kaming text sa isa't isa ni jess, pero i'll make the story short. nalaman nya na taga-DLSU din si SIBLING kasi nakita niya sa santugon [political party in DLSU] meeting kanina daw. so parang ako na taga-tapat na kalaban ng santugon, ginusto ko nang lumipat sa santugon kasi nandun si SIBLING at balita ko kay jess tatakbo daw si SIBLING as batch rep! joke lang, shempre tapat pa rin ako. :D aaaah!
ching!! mas madalas ko na sha makikita ulit! haha!! kinulit ko nang kinulit si jessica na isama niya ko sa mga future santugon meetings para makita ko si SIBLING!! ahaha!! ganyan ako kabaliw. minsan lang ako tamaan ng ganyan! ;) ahaha!! asar ayan hyper pa rin tuloy ako, parang hindi nag-stat and accounting test!! haha! :D
grabeee ayun nagutom ako dun ah. haha. :D
# random thougths @
10:54 PM