first of all..
GRABEEEEE!!! ANG HIRAP GUMAWA NG SCHED FOR NEXT TERM!!!!! NAKAKALOKA UNAHAN TALAGA!! kung minalas ka puro break ang sched mo!!!
parang nangyari sa akin. during mf, may break ako ng 1 hour and 20 min! tapos pag wed, may break ako ng 3 hours! OA anong gagawin ko sa 3 hours?! tapos pah tth ISA lang subject ko samantalang pag mf lima at pag wed apat! haha goodluck na lang diba?! tch talaga. tch. TCH!
ayan at nalabas ko na ang sama ng loob ko. hehe. sama ng loob ba?! di naman. medyo na-hhassle lang ako sa pag-aayos, parang finals ng math ang inaanalyze ko eh! napakadaming scratch paper na ang nagamit ko! hehe.
sooo mga friends six days rin ang hindi ko nakwento sa happenings ng buhay ko! heheh. grabe kasi yang paggawa ng sched, hindi talaga ako makablog kahit nasa harap na ko ng pc at icclick ko na lang yung site ng blogger! kaya ngayon magsisimula na ako dahil kindof tapos na ko sa sched ko, 2m pa kasi yung cross enrollment :D
fri, mar10 - nagsimula ang school day ko ng 3pm. bakit? dahil sinisinat ako nung umaga at hindi na ako pumasok. so hindi ko nakuha yung quiz ko sa stat w/c ching said na maganda naman daw yung grade, 93% ata? yehey. :) tapos malas ko nagdalawang quiz ang forever quiz professor namin sa relstwo kaya 2 missed quizzes kagad yun! patay kelangan ko na talaga humabol. religion na lang ibabagsak ko pa?! NO WAY MAN! i'm aiming for the dean's list this term please lang!! then sa accounting ko, binalik na daw yung midterm exam namin. remember yung kinwento ko dito na nagttake ako ng test then biglang updownleftright yugyog nung earthquake? yun yung test na tinatake ko nun. heheh. sinabe ko pa na sana maganda yung kalabasan nung test kapareho ng magandang exciting na nangyari nung araw na yun. GUESS WHAT? one of the highest pa ko!! grabe! minsan lang yan sa accounting life ko! haha! 90/100 daw nakuha ko sabe ng seatmate ko! tapos ang highest namin 92! 2 points lang! yehey! haha. tapos binigay na rin ang midterm grade namin, 3.0 daw ako! equivalent to 92.11! grabe sobrang tuwa talaga ako nun! kasi for the last 2 terms na nag-accounting ako, di man lang ako nakatikim ng kahit 2.5 na grade! haha. tapos ngayon 3.0! galing mo talaga lord. ;)
so nung 3pm nga pumunta na kong school kasi may practical test kami sa pe, manila swing ang dance mga lola! sayang naman ang grade kung immiss ko yung test na yun, lagi pa naman ako late pag PE so sa practical test lang ako bumabawi! hehe.
ching&i and our closest dance friends, cindy&jen! [wala c camille eh, kasama boylet! haha joke lang] :p
click here for more photos!
HAPPY 18TH BIRTHDAY REG! :D
sat, mar11 - kahit di pa ko completely healed [haha] gumising pa rin ako ng mga 715 kasi i had a volleyball game sa school, may froshcup kasi kami so para may exercise naman and dahil i miss playing volleyball, nagplayer na ko! 8am daw yung game pero 8am papunta pa lang ako ng school..hehe! when i arrived, di pa nagsstart yung game kasi kulang-kulang pa yung players so ang gulo yung lineup naiba-iba na. pero sige, go pa rin! 1st game kami and malas, we lost! haha. varsity naman pala kasi yung mga kalaro namin samantalang kami bartisi lang! hehe. ayun. we had a break so we ate 1st dahil wala kaming energy kaya hindi kami happy! haha. so nung 2nd game na, nagkaprob kami kasi yung 2 teammates namin umuwi na! tama bang boycottin kami?! pero ayun. so nung una pinahanap kami ng 2 girls na maglalaro for our team kaso grabe yung kabilang team, ayaw pumayag! it's either daw we default or play with only 4 players! so go na lang kami, 4 players lang kami namely ako, tonee, irene and jamie! nakakatuwa nga eh, kasi kami yung chincheer ng mga tao! nakakatouch..hehe. tapos inalam pa nila names namin. :D so medyo "stars" kami nun! haha. 1st set, talo kami. 2nd, nanalo pa! nanalo kami, 4 players against 6! bwahaha. pero nung 3rd, close fight talaga! pero we lost by 2 points. aaw. so yun. pero ok lang, we enjoyed the game and the 4 of us really showed teamwork. :D hey girls, it was nice playing with you :)
naligo at natulog ako nung hapon pagdating ko kasi sooobrang napagod ako! then i woke up at around 5pm tapos kumain ng tinolang manok with rice [haha naalala ko pa] kasi di ako nakapaglunch sa sobrang pagod ko. after that i already got ready for my kabarkada megs' debut celebration at makati.
sa tagal ng paghihintay ko kay kuya LJ nagpicture nalang ako :D
ready na ko ng mga 630 pero dumating si kuya LJ mga 745 na ata! heheh. ayun then before going to the venue, we 1st went to glorietta to fetch reg my kabarkada kasi sasabay sha samin going there and bumili pa ko ng gift for megs. oh diba procrastinator talaga kahit sa gift last minute bumibili? heheh. pero as much as possible, mapili talaga ako sa gifts na binibigay. gusto ko the gift really suits the receiver. so ayun na nga, we arrived at capone's bistro mga 9 na ata! so mga 1 1/2 hours fashionably late kami. haha. ayun kain na kami when we got there kasi kainan time na! sarap ng mga food grabe, may carbonara, pesto, pizza, squid na di ko alam yung luto pero sobrang sarap, sisig, sausage whatever. :D nung mga 10 pala umalis ulit kami sa capone's kasi sinundo namin [kuya LJ, ako and reg] si bea kabarkada kasi walang maghahatid sa kanya sa venue eh gusto niya and namin sha pumunta so we went to her house to fetch her. salamat sa pagpayag gamitin car mo kuya LJ! kuya ka talaga sa barkada namin :) nung pagbalik namin mag-eeighteen somethings na si megs :D
ang pogi na fafa LJ dito! hahaha.
barkada! [megs w/ orange ears] not in the pic: reg, loren. not in the debut: minay, tin.
click here for more photos!
sun, mar12 - our youth group "joyclub" had the "pagbabalik" fellowship! medyo di na rin kasi close lahat and not all were involved in the ministries of the church kaya we had this session to bring back joyclub! ilabas ang mga powers joyclubbers! through this fellowship, hopefully all members would be doing their part sa kahit anong ministry nila. i am also glad that we had this first step in bringing back joyclub kasi i trust the lord na he has so many plans with this group at marami kaming magagawa for sbc, for each other, for other people and for god. :)
you can be cool at the same time love & serve god :) that's what joyclub is!
i missed our magulo shots such as these. :)
click here for more photos!
HAPPY 18TH BIRTHDAY MELAI AND 19TH BIRTHDAY PARENG BRY! :D
mon, mar13 - itong araw na ito ay nagkasakit na naman ako kaya hindi na naman ako nakapasok. :| nabinat ata ako nung naglaro ako ng volleyball, kasi as in sa ilalim ng araw ang volleyball game! kaya yun. i enjoyed the day pa rin kasi i was able to experience our newly-connected DSL! heheh. nag-enjoy ako sa bilis ng pagdownload ng video, ng music, ng pagpunta from one site to another! heheh. :D
tue, mar14 - start ng ka-hassle-an sa buhay! ito pumasok na talaga ako. heheh. ok na ko eh :D maaga akong nagising mga tipong 7 am ata at maaga din akong napa-internet kahit na 1pm pa ang pasok ko dahil pashneya [hayop ang ibig sabihin nyan, para sa mga encantadic psycholicious lang yan! hahaha. james kasi eh, nakakahawa!] ginising ako ng dalawang mabait na classmate ko, namely arbie at james mervin ong! si arbie text ng text at tumatawag pa sa cel ko about sa paper namin sa business organization [in short, busorga] subject as early as 630 am! nagtatanong sa mga bagay bagay! nung tumatawag sa cel ko at di ko sinasagot, aba'y tumawag na sa landline! ginising tuloy ako ni mama dear at ayun nakausap ko na si arbie! habang nanggugulo si arbie si james din ay napakakulit! ginigising ako sa pamamagitan ng sunod-sunod na text [naka-loud pa naman phone ko kase inalarm ko to 8 am sana! kaso iba ang naging alarm ko!] wala pa daw kasi shang sched eh at sira daw internet nila eh itong day na 'to ang online enrollment namin! so ayun tinulungan ko sha gumawa ng sched at bumangon na ko. tch, naputol ang beauty sleep ko tuloy. :|
during our first subject w/c was busorga, madami samin ang minsan minsan lang makinig [tulad ko sori po] at yung iba di na talaga nakikinig sa prof. bakit? nag-aayos at nag-aadjust ng mga sched! yung mga friends kasi namin na walang class nagttext samin kung anong subjects yung wala nang slots so i-aadjust mo yung sched mo diba? being the nice teacher that he is, sir lim dismissed us at about 145 pm kasi 2pm start ng online enrollment eh unahan yan kaya maaga sha nagpa-dismiss. :D thanks thanks sir! :)
wed, mar15 - kahapon naman umaga't maghapon akong nasa school kahit halfday lang ako. dami ginawa eh! pero napaka-productive ng day na ito ha, in fairness. :D na-late na naman ako ng sobra sa 1st subject ko, statistics kaya for the 3rd time, di na naman ako nakapasok! waah napapariwara na ata ako..tulungan nyo naman ako gumising nang maaga oh. ayoko ng maraming absent!!! so while waiting for stat to finish, tambay lang ako sa yuchengco stairs to wait for ching para sabay kami sa next class. ayun nag-relstwo kami tapos accounting. sa accounting, while discussing, medyo lost ako natakot ako parang ang dami ko na-miss sa pag-absent ko! nahalata ata ng seatmate mon ko na medyo hindi ko gets yung pinapag-usapan ng class kaya tinulungan niya kong intindihin yung lesson kasi quiz na namin sa friday! thanks mon, grabe, you're the best accounting classmate talaga. blessing ka, sobra. :D sana makakuha ako ng mataas sa quiz! :)
after accounting, ching and i met up again to eat lunch. we ate sa rap, at kinain ko na naman ang favorite porterhouse steak ko. yuuuuum! :D ahaha. after that, alis kagad kami kasi we went to don bosco to conduct our survey for statistics among the 4th year students there. medyo adventure na naman kami eh, medyo nawala kami [or feeling namin nawala kami] at sama mo pa yung scorching heat effect! hay! pero nakarating naman kami nang buhay sa don bosco, sabog nga lang. :p
after finishing the survey, nag-part ways na kami ni ching. sumakay sha ng jeep going to landmark kasi dun sha sakay pauwi ng cavite while i have to go back to school again for our filipino video shoot. so since di ko alam yung tinuturo ni ching&marco [my donbosco friend] na mga jeep na sasakyan para makarating ng school, nagtaxi na lang ako! hehe. di kasi ako mahatid ni marco kasi may review class pa sha sa math. pero ok na yun, nakarating naman ako eh. thanks na rin for the help ching and marco! :)
pagdating ko sa school, akyat kagad ako sa 4th floor ng planetang gokongwei [malayo sa sibilisasyong building ng la salle] dahil my filipino classmates were there, nasa thesis room nila [4th year na kasi filipino classmates ko. kung pano ako napadpad sa college of computer studies/science at bakit ako lang ang 1st year, mahabang storya. ;p] . nagshoot na kami, our plot was like the pinoy big brother, la salle big brother nga lang kami. heheh. at ako si toni gonzaga, phony gonzaga nga lang ako. haha. basta, nag-enjoy ako sa shoot hihi. di pa namin tapos yung vid, pero marami na kami ginawa. after the shoot, tambay lang ako sandali dun sa room nila then i went down na at bumalik ako sa la salle building kung nasaan ang sibilisasyon. nagstay muna ako sa conservatory to hopefully answer my accounting homework while waiting for my dad to fetch me kaso nung ayos na lahat ng gamit ko nakalatag na sa table ready to start my homework, biglang tumawag dad ko nasa la salle na daw sha. hehe. so ayun umalis na ko ng school and my day ended there. :D
*itong day din palang 'to FIRST TIME NAKAUBOS AKO NG BALLPEN EVER IN MY WHOLE LIFE na hindi either nawawala or nawawalan ng tinta! yehey haha*
maliligo na ko, may pasok pa ko ng 1. :) di pa ko kumakain. erk. :D