ang dami kong dreams sa life. sobra. kamusta naman tapos gusto ko pa lahat yun magagawa ko. excited ako kasi alam kong kaya ko siya, di ko lang matiyempuhan. katulad na lang ng mga short-term dreams ko:
1. mag-discipline officer (better known as DO paragon) sa DLSU. --> by next week malalaman ko na kung magkakatotoo 'to. pagpray niyo ko sana matanggap ako. hehe.
2. i want to run for student council. una kong ipaglalaban ay ang maling sistema sa priority and non-priority enrollment. pag bumagsak ka, dapat may chance ka pang maging prio ulit provided that when you take your failed subject again, you get a grade of 2.5 or higher than that. hindi yung dress code or attendance policy yung laging issue, minority lang naman ang apektado dun. i believe mas maraming matutuwa kung enrollment policy ang minumove. nakikita ko na ang pamumulitika sa DLSU.
3. gusto ko sumali sa LSDC (la salle dance company). mahal ko na ang jazz, kahit di ko pa siya nasasayaw talaga. cheerdance and cultural dance pa lang ako eh. pero yung moves ng jazz okey sa olrayt talaga sakin, as in feeling ko magniningning ako pag sumayaw ako nun. hahaha ang yabang. miss ko na sumayaw eh.
4. harlequinn theater guild. sosyal ng pangalan! gusto ko rin diyan, aacting ako (uy may acting skills din ako pero grade 6 pa huling nagamit bwahaha)! natutuwa ako pag nanonood ako ng mga theater plays, tapos lagi ko naiimagine na ako yung umaarte sa stage. exciting :)
5. to lead the upcoming dance ministry sa church, together with jv. nabalitaan ko marami daw nagsign-up from our sister churches, and ang saya naman. sana matuloy na yung first ever performance namin sa next youth worship, this last sunday of august. yeees.
6. maging print ad or ramp model. yes yes. vtr na lang talaga eh. na-prove ko na sa sarili ko na, cge na, i have what it takes naman. nahihiya kasi ako if i just suddenly barge in an agency's office at sabihing "magv-vtr po ako" wahaha. so ayun may lumapit na sakin so kulang na lang ay tulakin ko na sarili ko pumunta sa makati!
7. maging LAmb (lasallian ambassador). eto yung parang welcoming committee ng university pag may incoming freshmen. sila yung mga unang makikilala ng freshmen kasi as early as orientation which is the week before regular classes, kasama na nila ang new babies of la salle. gusto ko yung ate/kuya factor eh. hehe. pag naging DO paragon ako, medyo wish come true na rin 'to. hay nako love for service nga naman oh.
8. maka-experience na ng hands-on sa business management as early as now. para may mapagpractisan na. so moma and dadi, bilin na yung sweet escape! mag-franchise na rin ng holy kettle corn! hehe.
aim high pasay ang dating ko dito! pero ok naman mangarap noh? hehe. reachable naman 'tong mga 'to eh, so exciting kasi sobrang challenged talaga ko ngayon :)
# random thougths @
11:26 PM