Tuesday, September 26, 2006
i had a happy schoolday yesterday. haha loser, napaka-generic nung word na ginamit ko. ano nga ba ang "happy"? anyway, you'll know kasi ikkwento ko. :p i arrived at school ng 10:10 am, 20 minutes early before my first class starts. tambay muna ako sa tables somewhere at the LS building, at ang weird dun pa ko sa may guys washroom umupo! hehe. wala nang iba e! so there. while waiting, dami ko na-hi-an na blockmates kasi dun sila dumaan. i saw tonee, nico, dan, and george. madami ba un?! haha. well, anyway. my first class: envscan. we had a group game, where we will be trained to be good entrepreneurs. may challenges na binigay per group. one group had to sell aircons to the people in alaska, another group had to sell medicines to morticians and embalmers. another had to sell hotdogs to vegetarians. another had to sell lawn mowers to condominium dwellers. tapos sa group namin, we have to sell cigarettes to health buffs and athletes. we had to present our product either by tv commercial or radio advertisement. yun nga every group presented, tapos in short, nanalo group namin! bwahaha. what can we say? innovative kami eh :D tapos the day flew by, tapos before i knew it, oblicon na! hehe. last subject na at 6 pm na un! recitation galore na naman, mangangawit ka sa kakatayo kasi ang tagal magpatayo nung prof, dami nya itatanong sayo! ching was super nervous kasi nung friday tinakot ko siya na malapit na siyang matawag, kasi alex was called na, e malapit lang yung index cards nilang dalawa! hehe! ayan stressed na naman tuloy ang forever blockmate ko! haha! i was observing sir heffron sa pagbunot ng index cards, shinuffle niya! kaya it was possible na mauna ako matawag kay ching. i was kind of day(night?)dreaming pa, tapos there natawag ako! tinayman ko, and i was standing for half a period, 30 minutes! hehe. :) inutusan ako magdesign for a tarp for the discipline awareness month, the theme is 70's. imbis na makagawa ako ng design, natuwa lang ako sa kakatingin ng patterns and stuff. haha. i want this notebook! ang cute cute cute. with the dots and stripes pattern. :D tapos i want my room na ganito: di mashado kita, but dots and stripes din yan! hehe. :D then i'd have another set of bedsheets and pillowcases, and i want 'em with this pattern: tapos i want to have slippers like these para masaya! i want the pink one more! haha adik, ang cute siguro pag ganito mga gamit mo no? i am such a color-ific person talaga. nyehehe. :)
# random thougths @
2:59 PM
Saturday, September 23, 2006
share ko lang, james and i went to manila zoo nung tuesday! haha! had fun ^_^ nakakamiss yung parang bata ka ulit and you get to explore the animals. hehe. :) i would be posting the photos soon on my multiply site as soon as i get them from james. i can't sleep right now kaya eto blog update na lang kahit my sole purpose of doing this entry is just to keep myself busy, hindi naman talaga kayo ma-uupdate sa buhay ko sa mga susulatin ko dito. hehe. inspired na naman ako mag-LSDC (la salle dance company) jazz! hehe! i just watched their major concert kanina with ching, and yeah, i quite enjoyed it naman. thing was, basta may voice-over ek ek sila while dancing, and i didn't get anything dun sa voice-over. can't understand the story behind the dance and the voice-over! anyway, basta nanood na lang kami ni chingy..haha. you know what? i miss someone. si dyorj! grabe, it's been 3 weeks since i've last seen him. september 2 pa! kamusta naman september 23 na! anyway, but at least we still get to talk sa phone, kahit na same kaming busy (but i think i'll never be as busy as he is! champion sa stress yung sa kanila haha). good thing we still know how to manage our time, as in hindi yung lagi kami nag-uusap, etc. one way of disciplining myself na rin 'to to avoid telebabad..haha. :) yayain nyo naman ako manood ng movie! loser na ko eh, last time i watched a movie was july 12 pa! pirates pa yak ^_^
# random thougths @
12:21 AM
Wednesday, September 20, 2006
yipee. sleeping day tomorrow :) la kasi ako class or duty sa DO. hehe. i miss waking up late! anyway, what happened to me today? nothing much naman, same pa rin, had a long day. haha. surprisingly, i didn't hate my litera prof that much, compared nung monday. hehe. na-irritate lang ako na she arranged us alphabetically. but at the end, ok lang din coz alex was in front of me, then ching was the seatmate of the one behind me. so may chika moments pa rin, mas discreet nga lang ^_^ sayang yung gonuts ko! bibigay ko na sana kay *sibling* eh! haha! siya una pumansin sakin! bwahaha :D anyway, long story (long ba?! o tinatamad lang ako? hahaha) pero intrigued talaga ako sa kung ano yung sinabe ni "gf" sa friend niya about me! chingy kasi eh! haha!! simula friday di tayo magkkwentuhan about *sibling* or gf pag litera! haha! puro dyorj dapat! nyahaha! :D
# random thougths @
8:53 PM
Monday, September 18, 2006
rwaaar!!! medyo 2nd week of classes pa lang namin from sembreak, at naffeel ko na parang week before finals na ito ha! ANG DAMING GAWAIN! is it me, or talagang mali lang yung combination of subjects na napili ko for this term? parang yung mga napili kong subjects hindi dapat magkakasama dahil matrabaho itong mga ito! *_* kamusta naman, at sabay mo pang ganap na DO officer na ko, so MORE WORK! oh great. may monthly reports pa kaming issubmit para dun. hindi lang siya basta "extracurricular" something, but you have to work hard! tapos i should keep my GPA 2.5 para di manganganib! pero okay lang, alam kong mamahalin ko 'tong pamilyang DO ng DLSU. :) natutuwa ako kasi i have a math subject na ulit, after 2 (or 3?) terms! haha. calculus eto mehn. mahirap daw sa 2nd half ng term, sabi ng mga blockmates kong nakapagtake na, but this is math, and math and i love each other, so ayos lang. hahaha. :D problema nga lang, halimaw magpakopya ng notes ang prof namin, napapasuko kamay ko! wawa naman hands ko nyahaha. nawindang ako sa mga binigay samin ng ENVSCAN prof ko na mga homework! for the past days, wala shang binibigay, tapos ngayon apat kagad!! gash..waaaa. nag-hide and seek kami ng engltri prof namin ngayon. ang kulit talaga. hehe. sa L310 ang original room namin, so pumunta kami dun ni ching ng 340. tapos pagkatapos naming mahingal sa kakaayat, makikita na lang namin sa pinto ng L310 na "please proceed to A1406" daw. kamusta naman. sa mga hindi nakakaalam, parang naglakad ka lang naman from one LRT station to another. ang layo talagaaaa! so pumunta na kami dun. pagdating namin, proceed to A1401 daw. so okay sige at least few steps away lang siya. ayan nagsettle na kami dun. after 10mins, may dumating naman na nag-announce na proceed to G211 daw! ano to taguan?! ang kulit! lipat na naman ng building! naglakad na kami along taft (literal!) ni ching dahil sa kalilipat ng classroom! haha. ayan 30mins tuloy yung nawala sa period. pero okay lang gusto ko nga yun eh! haha! di nga lang nakakatuwa na hanggang sa end ng term ay sa G211 na kami forever! eh sa LS lahat ng class namin ni ching! kamusta naman bahala na kaming ma-late sa next subject w/c is LITERA1?! naku i hate the prof pa naman. rrrr. pero masaya din pala ako, kasi home base ni *SIBLING* yun eh bwahaha labo :D speaking of LITERA1, I SOOOO ABHOR MY PROF. hehe. excuse me for that, pero irritating talaga siya eh! as in pinaninindigan ko talaga yung impression ko sa kanya na loser nung college kaya ngayong prof na sha, she's seeking revenge. ugh! stop it na kasi hindi nakakatuwa! mas lalo kang i-hhate ng students mo. tapos nagbigay pa sha ng surprise quiz kanina at she was acting "strict" pa. evil. grr. di naman sha nakakatakot. parang nakakatawa pa kasi pinipilit nyang maging strict. gah. bakit hindi na lang siya maging parang sir heffron ng OBLICON? ambait bait. cool pa. hay, forgive my LITERA1 prof people, she'll never be cool. haha. ang sama ko na. dito ko lang kasi mavvent out ang frustrations ko eh. besides telling them to ching, alex and james. haha. :) natutuwa tuloy ako sa law, kahit since birth ayoko na sha! hehe. at shempre, tuwang-tuwa naman ang aking ka-dynamic duo na si ching dahil ang kanyang crushie na si mr. lu (tama ba?!) na hindi alam ni chingy kung ang first name ba niya ay kerwin o sherwin, ay sobrang within sight niya kaninang OBLICON. why not diba? nakatayo si mr. lu for 30minutes, w/c is equivalent to a half period! kawawang bata. hehe. kasi nagvolunteer eh, di naman makasagot hehe. napagtripan tuloy ni sir. pero ok lang, entertained naman kami kasi marunong makisakay si mr. lu hahaha. :D mr. lu na ang tawag ko, chingy alamin mo na ang first name! :D grabe napahaba na naman ang entry ko, dahil alam kong matagal-tagal akong di makakapost ulit. kaya abangan na lang ang susunod na kabanata ;) HAPPY 18TH BIRTHDAY TO MY DEAREST BESTFRIEND RACHEL! pramis, simula ngayon susubukan ko nang tawagin kang "rach" at hindi "cheche" o "chechers"..haha. LOVE YOU GIRL SO MUCH! *mwah* :D
# random thougths @
10:59 PM
Thursday, September 14, 2006
grabe noh? christmas is fast approaching! i felt goosebumps this morning because this was the 1st time this year that i heard a christmas song on the radio. alam nyo ung kanta ni jose mari chan na "my idea of a perfect christmas, is to spend it with you.." hehe. favorite ko yun nung bata ako, and surprisingly, memorize ko pa rin lyrics niya na involuntarily parang automatic sinasabayan ko yung kanta! haha. :D I WAS ABLE TO ADJUST MY SCHEDULE! whoopee. :) mwf na lang talaga ako. tipid! good thing is, my mom and dad will still be giving me my usual allowance kahit na 3 days a week lang ako papasok. yehey! ipon ipon! :D yun lang! i just updated my blog. hehe. kasi naman! i still have 3 "short" stories to read na more than 10 pages! and i have to finish reading laws (yak!) on obligations and contracts at 60 pages pa sha hindi pwedeng hindi mabasa kasi katakot yung recitation format ng prof ko! palibhasa lawyer, tipong papatayuin ka niya for 5-10 mins tapos ikaw lang tatanungin niya dun sa whole time na yun! waaah. *_* good thing, he's nice kaya at least menos kaba. hay! oki, i'll start reading now. :)
# random thougths @
4:41 PM
Tuesday, September 12, 2006
hay naku! adjustment week in DLSU cbe ay struggle talaga! i've had the first taste of the sem yesterday, and i want to adjust dahil medyo di ko trip yung mga classes ko! i need to adjust by tomorrow, kundi i'll stick to this sched na ayaw ko dahil hassle sa buhay hahaha: MWF 1030-1130 - envscan (terror DAW ang prof dito, but nandito ung future business partners ko, kaya di na ko lilipat! bahala nang matakot ako hahaha) 1140-220 - BREAK (medyo mahaba, but kakayanin ko naman, kasi i already have a job as a discipline officer so i'll render my hours to them na lang, kasi may required hours per week rin naman) 230-330 - jprizal (di ko trip dito! because halos graduating na yung mga classmates ko dito! ako yata pinakabata..haha! la pa ko friend, pero kakilala meron :D) 340-440 - engltri (ok lang..haha. wala masabe!) 450-550 - litera1 (puro basa! pero kahit anong gawin ko ganun talaga so heck. ayoko lang yung prof, di dahil masungit sha or whatever, pero irritating sha magsalita! parang ayaw ibuka ung bibig na parang pinipilit na american-british accent ang english nya! hahaha nakakatawa eh. bata pa eh, parang sha ung nerd-nung-high school-and-college-turned-prof na nagsseek ng revenge kasi inaapi sha dati! lam nyo un? hehe) 600-700 - oblicon (la ko masabe dito, law subject man to na hate ko dahil ayoko ng law, at least i think i'm going to love the subject kasi ang bait ng prof! katawa pa :) bata pa din, eto naman ung parang cool jock-rebel-turned-lawyer-professor na since na-experience nya yung prejudice nung mga prof nya sa kanya, ay ginagawa lahat para di ma-experience ng mga students nya..yehey!) TTH 6-730 - finama1 (di ko lam hehe kasi aalisin ko tong subject na to eh kasi helloooo 6pm pasok ko! tapos one subject lang, kaya di na ko pumasok) ayan ang sched ko ngayon! i have to adjust tomorrow, last day of adjustment na! and sana di maubusan ng slots ang lilipatan ko para no problem waaah. if naka-adjust ako nang maayos, i'd have classes na lang every MWF and wala nang TTH! yay! :) eto oh: MWF 920-1020 - humanbi 1030-1130 - envscan 1140-1250 - BREAK 1250-220 - comcalc (every MF to) 230-330 - BREAK 340-440 - engltri 450-550 - litera1 600-700 - oblicon yan! oh diba mas maganda! hehe. :) tas pag wednesday, i'll be having a looooong break!! pero ok lang din! so guys, PLEASE pray for me, na makuha ko yung slot sa humanbi! isa na lang kasi eh waaah :(
# random thougths @
5:33 PM
Saturday, September 09, 2006
nakabayad na ko ng tuition! yehey. haha labo. i just feel like updating my blog. baka kasi ma-abandon ko na siya again when i start another term on monday! grabe, medyo kainis yung enrollment, dun ko winish na sana medyo naghintay naman ako! 5 minutes lang finished na ko mag-enroll! mas mahaba pa yung travel time ko, nanghinayang tuloy ako sa cinommute ko. uwi lang din ako after, kasi don't have anyone with me, shempre tamad pa gumimmick mga friends kasi it was 930 am! oh well. ah basta, sayang yung commute ko. *_*
# random thougths @
5:47 PM
Friday, September 08, 2006
SABE KO NA EH. dapat di na lang ako natulog ulit! di tuloy ako nakapuntang school today. i should be there, paying for my tuition fee na pagkamahal-mahal. but no, tomorrow na tuloy ako pupunta. tomorrow MORNING. goodluck sana magising ako! kasi diba pag saturday til 12noon lang ang office hours? sheesh. if di ako makakabayad by tomorrow, may surcharge na sayang pera! hmph. ganito kasi yan. i woke up at 4am. pero natulog ako ng 230. bakit kaya ganun? 1 1/2 hours pa lang ako natutulog, nagising kagad ako! why? wana know why?? may gumambala saking ipis!!! yaak kadiri talaga. rrr. natutulog ako ngayon sa room ng bro ko, kasi gusto niyang makipagpalit ng room muna. sarap daw matulog sa room ko, ako naman pumayag kasi gusto kong room yung madilim pa rin kahit tipong mga 12noon na. room ko kasi 8am pa lang magigising ka na dahil sa araw! so yun. oh yun nga, ung ipis. so natutulog ako diba? mahimbing eh. kaso medyo naaalimpungatan (tama ba? hehe) ako kasi parang may "thing" na nagccreep sa katawan ko (buti na lang nakakumot ako!!! aaaah!!). tapos nafeel ko na medyo nasa chest part ko na yung thing, di ko pa mashado pinansin kasi alam mo naman ung feeling na kapag antok na antok ka pa, feeling mo hangin lang yun or whatever? so medyo binubrush away ko pa ung "thing" kasi pwedeng buhok ko lang din yun diba? waaaah naaalala ko kadiri!! then di ko alam, ginising ata ako ni lord so dumilat na ko kasi naddisturb ako eh. nakita ko sa may dibdib ko yung shape ng ipis!! waaaah!!! shempre alam nyo namang ipis phobic ako, so nagfreak out na ko! pero nung time na yun di pa ko sure kung ipis nga yun or kung ano mang insect yun, basta involuntarily napa-upo ako sa bed tapos nagwawala! yung tipong brush ako ng brush sa lahat ng parts ng katawan ko to make sure na wala na nga yung thing na yun sakin?! waaaah! tapos binuksan ko na yung ilaw then i removed all my pillows and yung blanket ko from the bed, then..there I SAW THE CULPRIT!! sa poste ng bed ng bro ko, malapit sa edge nung mattress, andun yung ipis!! asar talaga! so medyo di na ko makatulog after kasi no way i'm going to sleep on that bed again noh! tinapangan ko sarili ko tapos sabe ko papatayin ko ung ipis kaso nawala sha eh! so for 10 minutes siguro naghhide and seek kami nung ipis! haha! kaso di ko na sha mahanap kaya yun! then bigla ko naisip na graveyard shift pala ate ko kaya free yung room niya! pwede ako dun matulog! hahaha! and so i did. pero mga after 30 minutes pa ko nakatulog ulit, kasi naggross out pa rin ako sa thought na dumapo yung ipis sakin! eek! todo alcohol talaga ako. eeee! ayan nakatulog ako kaya next na gising ko 1pm na! di na tuloy ako nakapuntang school. :| hehe. sana wala na yung ipis dun sa room, kasi natutulog ngayon ate ko sa room ng bro ko..lagot! ipis phobic pa man din ate ko.. hahaha :D
# random thougths @
2:49 PM
Thursday, September 07, 2006
yay! i've finally decided on what layout to use! :) as you can see, my skin's sooo purple, but i'm not fond of the color! wala lang, there's just something in this skin na nagustuhan ko, but i duno what exactly..hmm.. :) oh yeah, it would be best to view my blog if you use internet explorer :) if you look at my tagboard, i have uploaded a new set of smilies! hehe. natuwa ako maghanap ng smilies, kaya lahat yan bago. if you wana try them out, just click on the smilies button below, and voila! lalabas na lahat yun. :D natuwa ako mashado sa pag-makeover ng blog ko, so i think this layout would stay for a long while. siguro! haha. unless i find something better and prettier. :) i'm still not finished with my links, kaya yung iba wala pang photos, pagod na ko e. hehe. next time! it's the "-ber" months already, and i just felt the first cool night breeze! brrr! :) i'm excited :D
# random thougths @
7:07 PM
Wednesday, September 06, 2006
i have a new bookmarked site on my browser: it's www.triplejack.com. hehehe. sa mga di alam, that's online poker. hay nakaka-addict pala yun? hehe. halata ba i haven't blogged for days but i go online naman everyday. yes, everyday. sorry na. panandalian lang to, and i guess i'd go back to being a regular blogger again. haha. :) to those concerned about LJ and his family, they're kind of okay na but there are still down times. pero rami naman nagmamahal sa kanila eh. nagulat nga ako kasi it was sunday when his dad was cremated, and there was this part where the people would look at tito rainier for the last time. oh em gee the line seemed endless! sobra! tapos napuno yung church! cool, i've never seen a funeral like that before. yung parang bayani or artista yung namatay? hehe. ching tagged me sa kanyang pito-pito quiz. so heck, while i'm taking a break from poker, sagutan ko na lang. :) (my answers aren't ranked in any way..as in random lang kung ano una ko maisip) SEVEN THINGS THAT SCARE YOU: 1. COCKROACHES (always on top of the list..haha) 2. terror teachers 3. commute in an unfamiliar place tapos gabi na 4. the feeling you get when you're up at 3am habang nagp-pc tapos feeling mo may "something/someone" na nanonood sa likod mo *_* 5. maubos ko yung pera ni dyorj sa poker (oh no pokerius addictus) 6. to not have a LIFE in the future (as in hello from kinder ang gaganda ng schools ko tapos wala lang ako mapupuntahan) 7. having a fracture SEVEN THINGS YOU LIKE THE MOST: (things lang lalagay ko talaga, walang people) 1. our cute newborn puppies (mga kamag-anak ni ketchup, mayonnaise & mustard. ano kaya ipapangalan sa limang yun? ubos na yung sosyal eh. toyo, patis, suka, mantika at mang tomas na lang natitira haha) 2. my white musk perfume ^_^ 3. my every trusty USB! :) 4. plain tank tops 5. low-waist bootcut navy blue maong pants (haha daming criteria!) 6. our pc's headphone 7. a body bag as in sling bag na colorfully funky! SEVEN IMPORTANT THINGS IN YOUR BEDROOM: 1. mirrooooor 2. electric fan! haha 3. the pullout bed, para sa mga occasional sleepover-ers :) 4. my study table! kung wala yun, walang pagtatambakan ng gamit..hehe 5. mga kandila at incense sticks ko 6. the sentimental cabinet (that's where i keep my treasure. haha) 7. my pink star chimes (pag wala yun, parang di kumpleto room ko) SEVEN RANDOM FACTS ABOUT YOU: 1. i secretly (?) love theater acting *sooo di na siya secret haha* 2. i have a huge appetite (and eveybody knows that already) 3. i AM capable of commuting. may mga iba pa ring tingin sakin ay sophisticatedly disabled eh. haha 4. i am not affectionate. BUT deep inside i love love LOVE all my friends and family. as in. kung di lang ako choleric, magsasawa kayo sa pagka-affectionate ko ;) 5. i love large coloring books. yung hindi detailed yung drawing. basta, color away lang :) 6. i love going out at night. mas psyched up ako pag ganon eh. di ko lang magawa kasi wala ako lagi way pauwi haha. 7. i mask my feelings sa harap ng tao, a.k.a. a toughie but when i'm alone, i'm such a softie. as in yung umiiyak sa mga movies, problems, etc. :D SEVEN THINGS YOU PLAN TO DO BEFORE YOU DIE: 1. makarating sa camiguin at magbakasyon dun for 2 weeks 2. ma-overcome ang gross feeling towards eating betamax (yung buong dugo ng baboy..eew) 3. give each of my family member a gift which they badly want :) 4. mapanganak si miguel keann ^_^ (i really like that name) 5. have a major shopping spree as in yung tipong P50,000 yung magagastos ko in one day lahat sa damit and accessories and food lang! ay saya :D 6. make a difference (be it small or big) even to just one person, yung maaalala nila for the rest of their lives 7. be able to contribute something big sa charity (kahit hindi money) yung tipong maddiyaryo yung ginawa ko hahaha SEVEN THINGS YOU CAN DO: 1. understand the "g" language (pero mabagal lang ha! haha. di ko talaga gets yung banana language) 2. do a cartwheel and do a cartwheel with only one hand 3. kumain at mabusog sa spaghetting walang sauce ;) 4. bend my thumb for more than 90 degrees (uy tinatry nya kung kaya nya hehe) 5. lie down sa bed ko and be still (na gising ha!) for 8 hours 6. be rude without sounding like one haha ;) 7. mag-jaywalk sa intersection, as in tatawid diagonally without being caught..bwahaha. SEVEN THINGS THAT ATTRACT YOU TO THE OPPOSITE SEX: 1. funny in a way na hindi annoying na personality 2. someone simple yung tipong hindi nag-aayos pero pogi pa rin :) (someone like LJ? haha) 3. height (preferrably 5'8" to 6 feet) 4. the EYES 5. hair, of course 6. and let us not forget the smile :) 7. yung always available, yung pag nagyaya ka or nagpasama ok lagi :D (ano yun, boy? hehe. baka nga boy ang kailangan ko haha) SEVEN THINGS YOU SAY THE MOST: 1. "di nga?!" 2. "parang" or "like" 3. "as in" followed by "sobra" 4. "kamusta naman!" 5. "ok ka lang?" followed by "sure ka?" 6. "sabe ko nga" 7. "shucks!" (barok ng chucks weeeh) SEVEN CELEB CRUSHES: 1. of course si papa dennis trillo :D 2. jonathan bennett (yung cutie partner ni lindsay lohan sa mean girls) 3. eric bana! (si prince hector sa troy ayayay gusto ko sha in his costume&beard hehe) 4. chris evans (si human torch sa fantastic four) 5. chad michael murray 6. robert schwartzman (sa princess diaries 1!) 7. pwede bang wala na? la na talaga eh..haha. sorry i broke the rule! SEVEN PEOPLE YOU WANT TO TAKE THIS QUIZ: 1. ariane 2. pat 3. marian 4. dana 5. jeline 6. rhiza 7. rachel grabe puro girl ang blog buddies ko! i want to change my blog skin, marami ako choices eh kaya di pa ko makadecide hehe. :)
# random thougths @
10:52 PM
Friday, September 01, 2006
i just got my 1st term second year grades yesterday, and generally it turned out well naman. ok na, happy ako kasi my GPA's eligible for a DL, yun nga lang, di ako makaka-DL. hehe. (DLSU's grading system: highest is 4.0; grades are in increments of 0.5) ECONONE (economics) = 3.5 HUMABEH (human behavior in organization) = 3.5 ENGLTWO (research paper writing) = 3.5 RELSTRI (christian morality) = 3.0 ACCOM2B (ACCOUNTING!!) = 1.5 (bwahehe.) yes, i had no grade lower than 3.0, which is REALLY good. except for accounting. pero, tanggap ko na yan kasi in one of my previous posts, i shared to you guys that i have to get an 81% in the finals just to pass this subject, meaning to get a 1.0 in the final grade. but no, naka 1.5 pa ko! hahaha. sayang nga lang kasi for me to be able to be included in the deans' list, i have to have a GPA of 3.0 and no grade lower than 2.0. i am qualified for the 3.0 GPA, kaya lang, i have a grade lower than 2.0 naman. ngerk. sabe ng blockmates ko sabihan ko daw ng "i love you" accounting prof namin para daw gawing 2.0 grade ko! haha. sira. i'd rather get a grade which deserves me noh. hehehe. :D so there, ok na naman grades ko. i hope that next term would be even better, yung no grade lower than 3.0, at wala nang 1.5! :)
# random thougths @
1:56 PM
|