Wednesday, March 29, 2006
our highschool yearbook was released today! yipeeee. :D ang ganda niya in fairness, san ka nakakita ng colored yearbook?! haha. now alam ko na kung bakit ang mahal ng yearbook namin. P2ksumthing ata? congrats to the staff! :) i'll say this straightforwarldy. my day today was okay, except for the fact that i already know that i'm going to fail my last stat quiz this term!! aaah! pardon me for i will be ranting aimlessly, yung tipong di nyo maiintindihan sinasabe ko, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob! *_* ano ba yan, wala na tuloy suspense sa kung anong grade makukuha ko sa quiz na yun kasi i surely know that i will fail! nag-aral pa naman ako yesterday..as in aral! hindi scan ng notes, but ARAL! i missed taking my 4th quiz kasi, yun yata yung day na nalublob paa ko sa puddle of mud! haha. and the thing is, i didn't know that there was a quiz on that day! kung alam ko lang na may quiz non, pumasok ako kahit madumi paa ko! kahit mangamoy pa ko..haha. this last quiz was my time to shine kasi i knew na makakabawi ako kasi the test was only about binomial and hypergeometric probability distribution which was minamani (haha yabang) ko lang kasi computation eh, and i love computation! i kept on complaining to ching earlier this morning about my stat quiz, can't get over kasi! alam mo yung feeling na alam mo na madali lang yung test pero dahil sa hindi maintindihang rason mali-mali ang nagawa mo at na-realize mo lang na mali pala ginagawa mo 5min before bell?! haay talaga..the test kasi was a combination of PD, binomial PD, and hypergeometric PD. so yeah, nasagutan ko nang maayos yung PD, tapos sa binomial, di ko alam kung ano naisip ko at yung problem na dapat binomial, ang ginamit kong formula ay yung sa hypergeometric! kaya pala nag-eerror calcu ko pag nagccompute ako..haaay. so in short, yung binomial and hypergeometric problems sa test ang ginamit kong formula ay yung sa hypergeometric lang! nung natapos na ko sa test, w/c was 5min before time, nagtataka ako bakit di ko nagamit yung formula ng binomial..it was then i realized that "oh nooooo!! mali ang ginawa koooo!!!" dami pa naman yung binomial problems, yun ata yung may pinakamaraming points..waaaah. dali na lang nung test eh, i could have aced that, but noooo. ngayon naghahabol ako ng grade sa stat, sa STAT pa. math yun. buti sana kung hindi. i hate getting 2.somethings pag math..ngayon 1.something na lang ata makukuha ko. :| lord, please help me get a perfect score sa finals. grrrrrr.
# random thougths @
8:57 PM
Monday, March 27, 2006
one week of not posting again. nakakamiss. :| can't really remember all that had happened basta share ko na lang mga naaalala ko. > i went to my kabarkada reg's debut last march 24. fun fun fun sha, nice pa nung theme, black &white. :) for photos, view my multiply site. < > last march 23 we had our pe dance after not having a meeting last week. so two weeks kaming walang exercise. our class (and others too) will perform on the yuchengco lobby this coming april 8. manila swing ako. ayaw ko ng cha cha cha, short skirt. eek. kung gusto nyo nood, 1-3 pm. hahah. :p < > i had no filipino class last week. puro group consultation lang for our video final project eh. < yan. haha. can't really remember most of what happened because i'm so focused on my four major requirements that should be submitted within this week and on monday next week. nakakakaba na talaga! i remember my 4th quarter 4th year hs days, yung hectic na hectic ka na hindi mo alam kung matatapos mo lahat ng kailangan before deadline..waaah. as of now, i'm not really focused on our finals and i'm not even thinking about summer vacation yet! 2 weeks pa kami noh. well, sometimes i do think about vacation, heheh. kaya naiinip na ko na sana matapos na ang 2 weeks so that i could go back to my habit of getting up late. haay. things to finish: 1) busorga business final paper - don't know how many pages. don't know how to start. i'll try to make myself motivated to do this. maybe my basis of motivation would be the fact that this should be finished by tomorrow kasi bukas na ang deadline nito. haha. i have to do this by myself as of now, my groupmates can't help me right now. waaah. 2) comp1fi webpage final project - the webpage cd is with me. that means i will be the one to finish the project. aaack. di pa naman ako marunong maglagay ng designs sa webpage. di lang webpage gagawin ko, it means i would also be the one to do the written report. computer science students, computer freak friends, heeeeeelp. bukas na rin 'tooooo. 3) comsta1 final paper - conducting surveys ain't that easy pala. well actually, it can be but in our case di namin naisip na yung survey namin kelangan pala may time table. now that 4th year hs students (our respondents) are on their vacation, mahirap na magsurvey sa kanila. one school na lang ang kulang namin, last resort i thought of was to email to them the survey na lang. good thing my friend marco, is willing to help me do the surveying. haay thanks marco! :) 4) accom2a 2nd and final business case project - the least stressful project. but i still have to think about this if i want to maintain my nice 3.0 (DLSU ako highest ang 4.0 ha! hahaha) grade. pampahatak din 'to. maybe the thing that could make me worry here is i hold our chosen company's financial statements so my groupmates would have to always approach and pressure me kasi di sila makakagalaw dahil nasa akin yung info. hahah. :D there, there. i'm finally tasting college life in DLSU.
# random thougths @
4:11 PM
Monday, March 20, 2006
rainbow na talaga ang buhay ko! haha. biro niyo ba naman mga friends, i was squeaky clean when i left the house for school. tapos nagtravel ako via fx na derecho na sa school. medyo inaantok-antok pa ko kaya wala pa ko sa sarili nung pagbaba ko ng fx. when i got out of the fx, sakto swak yung right foot ko sa puddle of mud na kasinlalim ng lampas ng ankle!! oh di ba ang saya tamang-tamang pampagising! hahaha. so from providence tower up to DLSU, naglalakad ako with one clean foot and one black dirty foot!! literal ang ITIM ng paa ko! haha nakakahiya talaga :D so what happened was i wasn't able to attend my 1st class kasi for one whole period i was cleaning my foot!! sobrang kati kadiri talaga!! ano kaya yung mga nasa puddle of mud na yun? yak. i don't wana think about it. :|
# random thougths @
1:14 PM
Sunday, March 19, 2006
di ko pa pala nakkwento. nung friday, pinakanta ako ng relstwo prof ko sa harap ng class. KUMANTA MAG-ISA SA HARAP NG CLASS!! anak ng tokwa talaga nakakahiya at the same time nakakapagboost ng self-confidence. hahaha. :D kasi ganito yan, that was the day of the submission of our church certification regarding the 10 hours church service sa respective churches namin. ok na yung mga issubmit ko except for one paper, yung blue form ko. may mga i-ffill out kasi dun eh hindi pa ko tapos. late na nga akong dumating nung relstwo class ko, sabay di ko pa tapos yung blue form! so nagmamadali akong i-fill out yun kasi dalawa na lang kami ng classmate ko (si clive) na nagsusulat sa blue form tapos kulit kulit pa nung prof sinasabe "oh wala nang magssubmit ha??" [with his visayan accent] mas lalo tuloy ako nataranta! tapos mas lalo pa ko nagpanic nung nagsubmit na si clive! so ako na lang talaga yung hindi pa nagssubmit! sinisigawan ko na yung prof na "sir wait lang!! wait lang talaga!" to the point na dun na ko sa teacher's table sa harapan niya nagsusulat sa blue form. heheh. habang naghihintay si mr. prof sa akin matapos magsulat, tinignan niya yung church certification ko. ang kulit kasi niloloko pa kong pinagawa ko lang daw sa recto yun kasi sa sampaloc nga ako nagchchurch..haha! at dahil matagal ako magsulat at nainip na sha, pinagtripan na ako! hehe. kinuha niya blue form ko at ayaw ibalik sa kin! instead what he did was he read what was written in the church certification na "she heartily participated in the church's music and teaching ministry.." kaya ayun! pinakanta na ko! wag ko na daw tapusin yung blue form basta kakanta ako sa harap ng class!! na-shock naman ako diba! back-up singer lang ang lola nyo hindi SOLOIST! anyweiiii, dahil ayaw ibalik talaga sakin yung papel, ano pa ba magagawa ko so kumanta na lang ako! pero after 10minutes of persuasion muna! haha. di nyo ko basta-basta mapapakanta bwahahaha. :D
# random thougths @
4:03 PM
Friday, March 17, 2006
na-feel mo na ba yung nasa elevator ka galing sixth floor ng yuchengco building pababa sa ground floor with your friends tapos hinihintay yung elevator to reach ground floor tapos pagbukas ng elevator door ay biglang may heavenly voices sa paligid mo kasi ang unang taong bumungad sa harapan mo ay yung crush mo?! haha!! NANGYARI SA KIN YAN KANINA! no, not SIBLING, the other one!! the "orange" one. ;)
# random thougths @
5:04 PM
eto na naman ako sa makulay na buhay ni jopwitee! :) yesterday, after my classes rach & i met up then ate at houseblend. nagbonding na naman kami ng bespren ko. why? because it's the night of the filipinescas! i'm not sure if that's the dance group or the name of the event, pero basta the event is benildeans showing the art of dancing on stage. the event started at 7 pm so for about 3 hours, kain lang kami then went to benilde's lib para makaaral kami ni bespren rach kasi i have an accounting test the next day and i know na gabi na kami makakauwi so might as well use the time wisely. :) we left the lib at about a bit past 6 kasi immeet namin ni rach yung classmate nya, si em. hi em! :D after that, sabay-sabay na kami going to CSB's auditorium. when we got there, JV's (our friend performing at filipinescas) family were already there so konting chika chika tapos kain ulit kasi may cocktail food eh haha. basta the show was really great, sobrang galing ng dancers, worth it ang P150! galing din ni JV, yehey yehey. katawa pa kasi there was "something" w/c happened during that time, but i'd rather not talk about it kasi i'd be sharing people's private lives. heheh. :) kwento ko na lang yung life ko. haha! so there we were after the show, at about 930, thinking of where to eat. kami na lang ni rach and pat (JV's cousin) yung nandun kasi JV & his fam already left. we (or pat) decided that we eat at mcdo so punta kami dun. at buti na lang ay dun kami!! haha! pagpasok na pagpasok pa lang ng mcdo, guess who?! my TAPAT crush!! haha! sino ba namang hindi magugulat na mga 10 pm na makikita mo pa crush mo?! haha! so i told rach and pat about it, then when rach saw the guy, napa-"oh my gosh" din sha. approve ang bestfriend ko!!! ahahaha! na-cute-an din! hehe!! ayun so natuwa naman ako!! yun lang! hehe! ayan then sinundo na kami ng bigsis ko at DLSU southgate. when we went in the car, aba'y may celebrity na pala sa loob! it was ping medina! si ping ay anak ni pen medina. kung hindi mo pa alam, sha yung batang "hagorn" [tama ba spelling] sa etheria. yung "bestfriend" ng fafa dennis trillo ko dun! ayun sha yun. hahaha. ayun so nakilala na namin sha and he seems nice naman. so yun! when we got home, ako nag-aral na ulit sa accounting while rach and pat went to do their kikay stuff. [may nangyari pa pala before that, yung panonood namin ng controversial video na pati pamilya ko pinanood na rin] nyahaha. nagpa-bleach ng hair si pat sa ate ko then rach was watching. wala akong panahon dun kahapon dahil hellooo may quiz nga ako sa accounting! so yun natulog na ko ahead of them and i dunno what happened already haha. :D sori talaga sabog ang entry inaantok kasi ako eh pero gusto ko mag-internet :D
# random thougths @
5:00 PM
Thursday, March 16, 2006
first of all..
GRABEEEEE!!! ANG HIRAP GUMAWA NG SCHED FOR NEXT TERM!!!!! NAKAKALOKA UNAHAN TALAGA!! kung minalas ka puro break ang sched mo!!!
parang nangyari sa akin. during mf, may break ako ng 1 hour and 20 min! tapos pag wed, may break ako ng 3 hours! OA anong gagawin ko sa 3 hours?! tapos pah tth ISA lang subject ko samantalang pag mf lima at pag wed apat! haha goodluck na lang diba?! tch talaga. tch. TCH!
ayan at nalabas ko na ang sama ng loob ko. hehe. sama ng loob ba?! di naman. medyo na-hhassle lang ako sa pag-aayos, parang finals ng math ang inaanalyze ko eh! napakadaming scratch paper na ang nagamit ko! hehe.
sooo mga friends six days rin ang hindi ko nakwento sa happenings ng buhay ko! heheh. grabe kasi yang paggawa ng sched, hindi talaga ako makablog kahit nasa harap na ko ng pc at icclick ko na lang yung site ng blogger! kaya ngayon magsisimula na ako dahil kindof tapos na ko sa sched ko, 2m pa kasi yung cross enrollment :D
fri, mar10 - nagsimula ang school day ko ng 3pm. bakit? dahil sinisinat ako nung umaga at hindi na ako pumasok. so hindi ko nakuha yung quiz ko sa stat w/c ching said na maganda naman daw yung grade, 93% ata? yehey. :) tapos malas ko nagdalawang quiz ang forever quiz professor namin sa relstwo kaya 2 missed quizzes kagad yun! patay kelangan ko na talaga humabol. religion na lang ibabagsak ko pa?! NO WAY MAN! i'm aiming for the dean's list this term please lang!! then sa accounting ko, binalik na daw yung midterm exam namin. remember yung kinwento ko dito na nagttake ako ng test then biglang updownleftright yugyog nung earthquake? yun yung test na tinatake ko nun. heheh. sinabe ko pa na sana maganda yung kalabasan nung test kapareho ng magandang exciting na nangyari nung araw na yun. GUESS WHAT? one of the highest pa ko!! grabe! minsan lang yan sa accounting life ko! haha! 90/100 daw nakuha ko sabe ng seatmate ko! tapos ang highest namin 92! 2 points lang! yehey! haha. tapos binigay na rin ang midterm grade namin, 3.0 daw ako! equivalent to 92.11! grabe sobrang tuwa talaga ako nun! kasi for the last 2 terms na nag-accounting ako, di man lang ako nakatikim ng kahit 2.5 na grade! haha. tapos ngayon 3.0! galing mo talaga lord. ;)
so nung 3pm nga pumunta na kong school kasi may practical test kami sa pe, manila swing ang dance mga lola! sayang naman ang grade kung immiss ko yung test na yun, lagi pa naman ako late pag PE so sa practical test lang ako bumabawi! hehe.
ching&i and our closest dance friends, cindy&jen! [wala c camille eh, kasama boylet! haha joke lang] :p click here for more photos! HAPPY 18TH BIRTHDAY REG! :D sat, mar11 - kahit di pa ko completely healed [haha] gumising pa rin ako ng mga 715 kasi i had a volleyball game sa school, may froshcup kasi kami so para may exercise naman and dahil i miss playing volleyball, nagplayer na ko! 8am daw yung game pero 8am papunta pa lang ako ng school..hehe! when i arrived, di pa nagsstart yung game kasi kulang-kulang pa yung players so ang gulo yung lineup naiba-iba na. pero sige, go pa rin! 1st game kami and malas, we lost! haha. varsity naman pala kasi yung mga kalaro namin samantalang kami bartisi lang! hehe. ayun. we had a break so we ate 1st dahil wala kaming energy kaya hindi kami happy! haha. so nung 2nd game na, nagkaprob kami kasi yung 2 teammates namin umuwi na! tama bang boycottin kami?! pero ayun. so nung una pinahanap kami ng 2 girls na maglalaro for our team kaso grabe yung kabilang team, ayaw pumayag! it's either daw we default or play with only 4 players! so go na lang kami, 4 players lang kami namely ako, tonee, irene and jamie! nakakatuwa nga eh, kasi kami yung chincheer ng mga tao! nakakatouch..hehe. tapos inalam pa nila names namin. :D so medyo "stars" kami nun! haha. 1st set, talo kami. 2nd, nanalo pa! nanalo kami, 4 players against 6! bwahaha. pero nung 3rd, close fight talaga! pero we lost by 2 points. aaw. so yun. pero ok lang, we enjoyed the game and the 4 of us really showed teamwork. :D hey girls, it was nice playing with you :) naligo at natulog ako nung hapon pagdating ko kasi sooobrang napagod ako! then i woke up at around 5pm tapos kumain ng tinolang manok with rice [haha naalala ko pa] kasi di ako nakapaglunch sa sobrang pagod ko. after that i already got ready for my kabarkada megs' debut celebration at makati. sa tagal ng paghihintay ko kay kuya LJ nagpicture nalang ako :D ready na ko ng mga 630 pero dumating si kuya LJ mga 745 na ata! heheh. ayun then before going to the venue, we 1st went to glorietta to fetch reg my kabarkada kasi sasabay sha samin going there and bumili pa ko ng gift for megs. oh diba procrastinator talaga kahit sa gift last minute bumibili? heheh. pero as much as possible, mapili talaga ako sa gifts na binibigay. gusto ko the gift really suits the receiver. so ayun na nga, we arrived at capone's bistro mga 9 na ata! so mga 1 1/2 hours fashionably late kami. haha. ayun kain na kami when we got there kasi kainan time na! sarap ng mga food grabe, may carbonara, pesto, pizza, squid na di ko alam yung luto pero sobrang sarap, sisig, sausage whatever. :D nung mga 10 pala umalis ulit kami sa capone's kasi sinundo namin [kuya LJ, ako and reg] si bea kabarkada kasi walang maghahatid sa kanya sa venue eh gusto niya and namin sha pumunta so we went to her house to fetch her. salamat sa pagpayag gamitin car mo kuya LJ! kuya ka talaga sa barkada namin :) nung pagbalik namin mag-eeighteen somethings na si megs :D ang pogi na fafa LJ dito! hahaha. barkada! [megs w/ orange ears] not in the pic: reg, loren. not in the debut: minay, tin. click here for more photos! sun, mar12 - our youth group "joyclub" had the "pagbabalik" fellowship! medyo di na rin kasi close lahat and not all were involved in the ministries of the church kaya we had this session to bring back joyclub! ilabas ang mga powers joyclubbers! through this fellowship, hopefully all members would be doing their part sa kahit anong ministry nila. i am also glad that we had this first step in bringing back joyclub kasi i trust the lord na he has so many plans with this group at marami kaming magagawa for sbc, for each other, for other people and for god. :) you can be cool at the same time love & serve god :) that's what joyclub is! i missed our magulo shots such as these. :) click here for more photos! HAPPY 18TH BIRTHDAY MELAI AND 19TH BIRTHDAY PARENG BRY! :D mon, mar13 - itong araw na ito ay nagkasakit na naman ako kaya hindi na naman ako nakapasok. :| nabinat ata ako nung naglaro ako ng volleyball, kasi as in sa ilalim ng araw ang volleyball game! kaya yun. i enjoyed the day pa rin kasi i was able to experience our newly-connected DSL! heheh. nag-enjoy ako sa bilis ng pagdownload ng video, ng music, ng pagpunta from one site to another! heheh. :D tue, mar14 - start ng ka-hassle-an sa buhay! ito pumasok na talaga ako. heheh. ok na ko eh :D maaga akong nagising mga tipong 7 am ata at maaga din akong napa-internet kahit na 1pm pa ang pasok ko dahil pashneya [hayop ang ibig sabihin nyan, para sa mga encantadic psycholicious lang yan! hahaha. james kasi eh, nakakahawa!] ginising ako ng dalawang mabait na classmate ko, namely arbie at james mervin ong! si arbie text ng text at tumatawag pa sa cel ko about sa paper namin sa business organization [in short, busorga] subject as early as 630 am! nagtatanong sa mga bagay bagay! nung tumatawag sa cel ko at di ko sinasagot, aba'y tumawag na sa landline! ginising tuloy ako ni mama dear at ayun nakausap ko na si arbie! habang nanggugulo si arbie si james din ay napakakulit! ginigising ako sa pamamagitan ng sunod-sunod na text [naka-loud pa naman phone ko kase inalarm ko to 8 am sana! kaso iba ang naging alarm ko!] wala pa daw kasi shang sched eh at sira daw internet nila eh itong day na 'to ang online enrollment namin! so ayun tinulungan ko sha gumawa ng sched at bumangon na ko. tch, naputol ang beauty sleep ko tuloy. :| during our first subject w/c was busorga, madami samin ang minsan minsan lang makinig [tulad ko sori po] at yung iba di na talaga nakikinig sa prof. bakit? nag-aayos at nag-aadjust ng mga sched! yung mga friends kasi namin na walang class nagttext samin kung anong subjects yung wala nang slots so i-aadjust mo yung sched mo diba? being the nice teacher that he is, sir lim dismissed us at about 145 pm kasi 2pm start ng online enrollment eh unahan yan kaya maaga sha nagpa-dismiss. :D thanks thanks sir! :) wed, mar15 - kahapon naman umaga't maghapon akong nasa school kahit halfday lang ako. dami ginawa eh! pero napaka-productive ng day na ito ha, in fairness. :D na-late na naman ako ng sobra sa 1st subject ko, statistics kaya for the 3rd time, di na naman ako nakapasok! waah napapariwara na ata ako..tulungan nyo naman ako gumising nang maaga oh. ayoko ng maraming absent!!! so while waiting for stat to finish, tambay lang ako sa yuchengco stairs to wait for ching para sabay kami sa next class. ayun nag-relstwo kami tapos accounting. sa accounting, while discussing, medyo lost ako natakot ako parang ang dami ko na-miss sa pag-absent ko! nahalata ata ng seatmate mon ko na medyo hindi ko gets yung pinapag-usapan ng class kaya tinulungan niya kong intindihin yung lesson kasi quiz na namin sa friday! thanks mon, grabe, you're the best accounting classmate talaga. blessing ka, sobra. :D sana makakuha ako ng mataas sa quiz! :) after accounting, ching and i met up again to eat lunch. we ate sa rap, at kinain ko na naman ang favorite porterhouse steak ko. yuuuuum! :D ahaha. after that, alis kagad kami kasi we went to don bosco to conduct our survey for statistics among the 4th year students there. medyo adventure na naman kami eh, medyo nawala kami [or feeling namin nawala kami] at sama mo pa yung scorching heat effect! hay! pero nakarating naman kami nang buhay sa don bosco, sabog nga lang. :p after finishing the survey, nag-part ways na kami ni ching. sumakay sha ng jeep going to landmark kasi dun sha sakay pauwi ng cavite while i have to go back to school again for our filipino video shoot. so since di ko alam yung tinuturo ni ching&marco [my donbosco friend] na mga jeep na sasakyan para makarating ng school, nagtaxi na lang ako! hehe. di kasi ako mahatid ni marco kasi may review class pa sha sa math. pero ok na yun, nakarating naman ako eh. thanks na rin for the help ching and marco! :) pagdating ko sa school, akyat kagad ako sa 4th floor ng planetang gokongwei [malayo sa sibilisasyong building ng la salle] dahil my filipino classmates were there, nasa thesis room nila [4th year na kasi filipino classmates ko. kung pano ako napadpad sa college of computer studies/science at bakit ako lang ang 1st year, mahabang storya. ;p] . nagshoot na kami, our plot was like the pinoy big brother, la salle big brother nga lang kami. heheh. at ako si toni gonzaga, phony gonzaga nga lang ako. haha. basta, nag-enjoy ako sa shoot hihi. di pa namin tapos yung vid, pero marami na kami ginawa. after the shoot, tambay lang ako sandali dun sa room nila then i went down na at bumalik ako sa la salle building kung nasaan ang sibilisasyon. nagstay muna ako sa conservatory to hopefully answer my accounting homework while waiting for my dad to fetch me kaso nung ayos na lahat ng gamit ko nakalatag na sa table ready to start my homework, biglang tumawag dad ko nasa la salle na daw sha. hehe. so ayun umalis na ko ng school and my day ended there. :D *itong day din palang 'to FIRST TIME NAKAUBOS AKO NG BALLPEN EVER IN MY WHOLE LIFE na hindi either nawawala or nawawalan ng tinta! yehey haha* maliligo na ko, may pasok pa ko ng 1. :) di pa ko kumakain. erk. :D
# random thougths @
8:58 AM
Monday, March 13, 2006
gagawa pa ko ng sched ngayon kaya di ako makablog kahit blog na blog na ko. heheh. :) in the meantime, visit my multiply site na lang muna kasi rami new pics ;) magcomment keo sa pics ha! kakain na ko ng pusit. :D
# random thougths @
7:39 PM
Thursday, March 09, 2006
grabeee! i need bell bottom pants! tomorrow na ang practical test namin sa dance! err..pero di pa rin ako mashado natataranta unlike my friend ching na 3 days before tomorrow pa lang ay kabang-kaba na dahil wala shang masusuot daw! haha. ayan. ayan ang dapat na attire namin tomorrow. san naman ako hahanap nyan?! tapos my prof's kindof strict pa, ayaw daw niya ng 60's or 80's retro, yung tipong balloon skirt with rubber shoes with pigtails. she wants the 70's retro style. paano na yan hindi naman ako nabuhay nun wala akong damit!! i already have a top, pero the pants? where will i get the pants? oh well, anyway bahala na. :p *procrastinator jo, on the go!* HAPPY 24TH (?) BIRTHDAY ATE IVY! :)
# random thougths @
3:04 PM
Wednesday, March 08, 2006
AYAYAYAYAY!!!! 52 DAYS BEFORE MY BIRTHDAY! nakaka-stress. nakaka-stress! hahaha. : nakakaaliw, 2006 is debut year for me. hindi lang ako, pati rin sa friends ko. :) every month ata for this year may pupuntahan akong debut! haha. :D saya saya! :) DLSU had the meeting de avance for the general elections. grabeeee ang support ng both parties (tapat and santugon) sa mga candidates! nakakaaliw sobrang alive ng event! parang pep rally! haha. :D ayun, shempre being a tapat member, support all the way! i promised myself to be active starting next schoolyear. kasi naman, di ako nakapag-active this schoolyear kasi for 2 terms di ko controlled sched ko, hence not being able to attend meetings and trainings. tsk, i want to serve pa naman. oh well, may next schoolyear pa naman. :) sa mga incoming frosh at DLSU, join tapat!! not only will you get support if want to run for student council, but shempre bonus na rin ang academic support, kung gusto nyo emotional support pa. ;) ayun share ko lang. :) shempre nandun si "SIBLING"! pero santugon sha, soooo. silent cheer lang ako nung sha na yung tinawag! hahaha. color yellow yung signature color ng santugon, pero pasaway, naka-green sha. eheheh. :D ayun, pati yung current crushie ko from tapat na parang si SIBLING ay nandun, kasi he's also running for batch rep. shempre since andun si SIBLING, nasapawan ang current crushie ko, mas pogi si sibling eh! hahaha! :D share ko lang. hahaha! got to go now! maghahanap pa ko ng retro attire for our practical test in pe dance on friday! :D HAPPY 18TH BIRTHDAY MY KADUMS MEGS! :)
# random thougths @
6:16 PM
Monday, March 06, 2006
*bilis bilis bilis!! mag-tten minutes naaaa!* <--- that's what goes on my mind while writing these things. why? because PLDT vibe keeps on disconnecting our internet connection! don't know why..rrhhh. lilipat na kami sa iba. i'm currently trying to keep track of the things happening to me right now..can't seem to recall them so bukas na lang ako magbblog, sa school, yung hindi nadidisconnect every ten minutes ang internet, at 10.0 Mbps ang speed, hindi 44.0 Kbps. sheesh.
# random thougths @
2:31 PM
Wednesday, March 01, 2006
yeheeess!! tapos na ang accounting midterm exam ko sa wakas!! kahit masakit katawan at ulo ko, eto pa rin ako nagbblog kasi di na ko makapaghintay na ikwento sa inyo ang mga exciting na nangyari sa akin, all in one night!! yeah! haha. [weird, dapat wala na kong energy dahil na-drain na ang utak ko dahil sa statistics quiz sa morning at accounting midterm sa gabi! pero eto, happy ako eh! *anong meron ang taong happy?*] ;) nagsimula ang accounting test ko ng 6 pm, after having my break from 1130-6! oh say mo inamag na kami sa tagal! pero ok lang, di ko pansin kasi nag-aaral ako. :) anyweiii, ayun na nga. kabado ako habang nagsasagot ng test dahil nung nag-aaral ako earlier this afternoon, na-mental block ako as in hindi ko magets yung mga journal entries na dapat ay hindi na iniisip kung pano nagawa! kaya kinabahan na rin ako na baka sa test mismo ma-mental block ako! "naku wag naman po sana" na lang ang nasabi ko. hehe. mga 1st hour or so ng test, ok ok pa ko. after nun unti-unti na akong nanghina dahil ang habaaaa nung test tapos 1 hour pa lang yun, nagamit na utak ko! so ibig sabihin pa nun may 2 hours pa ko para magpiga ng utak! tahimik at seryoso ang lahat nang biglang.. (yumugyog ang paligid as in leftrightupdown yugyog) at nag-react ang lahat. nahilo pala muna kami. at nag-react ang lahat. aba'y nag-earthquake na pala! matagal din yung earthquake na yun, mga 9 seconds. binilangan ko eh! joke lang sinabi lang ng tatay ko na yun daw ang sabi sa news hehe. iba-iba ang mga reaction ng mga tao, yung iba "coup de etat na!" [ano naman koneksyon ng earthquake sa coup de etat?!] meron ding "ang lakas nun ah, nahilo ako!" at yung iba "end of the world na!" pero ako, wala lang medyo concentrated pa rin sa test kahit nahilo ako nang todo. ay pero naisip ko rin pala na "cool..earthquake.." :D seconds lang after the earthquake, bumuhos naman ang malakas na ulan. nagtaka talaga ako nun, ang init init buong araw tapos uulan na lang basta-basta nang ganun kalakas! medyo walang nagreact sa nangyaring yun dahil natural na naman sa mga tao na umulan nang malakas diba? hehe. mga ilang minuto pagkatapos nagsimula ang napakalakas na ulan, nag-brownout naman! dito na ang pinakamaraming reaction akong narinig. may "okeiii walang nang teeeest!" meron ding "aaah! pano na toh?!" at meron ding isa na favorite ko, "end of the world na talagaaa!" haha. ang kulit, kasi "end of the world" na nga, may mga iba pang nagsasamantala sa sampung minutong nag-brownout! guess what? nagtatanong ng mga sagot! haha ang kulit talaga. ako naman ang naisip ko, "mukhang ayaw talaga kaming ipa-test ha! na-cancel na ung test nung friday ang monday dahil walang pasok, nangyari pa lahat ng ito!" at saka"kung may mangyari man sa akin ngayong gabi at mamatay ako, ang kulit dahil maaalala ako ng mga tao na namatay na ang huling ginagawa ay nagttest sa accounting!! naku huwaaag pooo!" hahaha ayun. :D umulit ang brownout ng isa pang beses, pero mga 3 minutes na lang yun. pagkatapos mahilo at magutom at sumakit ang likod, natapos ko din ang test ko. mga 5th to the last ako natapos, dahil nahihilo na talaga ako gitna pa lang ng test so bumagal ako sa pagsagot. sana magandang grade ang makuha ko, kapareho ng magandang exciting na nangyari ngayong gabing ito. :D AT HINDI NAGTATAPOS DYAN ANG KWENTO KO. itong isang 'to ang nagpabalik ng energy ko matapos akong maubusan dahil sa accounting test!!! at dahil dito, ito kita naman sa pagsusulat ko na full of energy pa ako! :D actually, nagsimula 'to sa isang text lang ng aking "girlet" na si jessica. jessica: cho, sa dlsu rin pala nag-aaral si *itago natin sa pangalang SIBLING*. [yung mga close ko, gets nyo yan!!] ;p naku, at dun na ko nabuhayan ng loob. sa mga hindi nakakaalam, SUPER CRUSH KO LANG NAMAN SI SIBLING. nabuhayan ako ng loob dahil alam ko hindi na siya pumupuntang DLSU mashado kasi graduating na siya and nag-o-OJT na rin sha so that means hindi ko na sha makikita around campus. pero dahil sa text message ni jess, nagkaroon ako ng pag-asa na makikita ko na ulit sha sa campus! mas may kababaliwan na ulit ako kaysa sa current crushie ko na parang si SIBLING din ang itsura, porma at kilos. yeeeeees!! marami pa kaming text sa isa't isa ni jess, pero i'll make the story short. nalaman nya na taga-DLSU din si SIBLING kasi nakita niya sa santugon [political party in DLSU] meeting kanina daw. so parang ako na taga-tapat na kalaban ng santugon, ginusto ko nang lumipat sa santugon kasi nandun si SIBLING at balita ko kay jess tatakbo daw si SIBLING as batch rep! joke lang, shempre tapat pa rin ako. :D aaaah! ching!! mas madalas ko na sha makikita ulit! haha!! kinulit ko nang kinulit si jessica na isama niya ko sa mga future santugon meetings para makita ko si SIBLING!! ahaha!! ganyan ako kabaliw. minsan lang ako tamaan ng ganyan! ;) ahaha!! asar ayan hyper pa rin tuloy ako, parang hindi nag-stat and accounting test!! haha! :D grabeee ayun nagutom ako dun ah. haha. :D
# random thougths @
10:54 PM
|